Nakahanda na ang Pamahalaang Lungsod ng Marikina sa epektong dulot ng bagyong Kristine.
Ayon sa lokal na pamahalaan, partikular sa kanilang inihanda ang mga pasilidad gayundin ang mga kagamitan para sa posibleng rescue operations.
Nakapuwesto na rin sa mga istratehikong lugar sa lungsod ang kanilang rescue assets gaya ng mga bangka na madaling magamit kung kailanganin.
Inilatag na rin ng LGU ang kanilang mga kampo sa evacuation centers sa lahat ng barangay para tumanggap ng evacuees.
May nakatalaga na ring silid para sa mga ililikas partikular na iyong nasa vulnerable sector gaya ng senior citizen, persons with disabilities, buntis, at iba pa. | ulat ni Jaymark Dagala