Maaari nang magsumite sa social security system (SSS) ng annual confirmation of pensioners (ACOP) ang mga pensioner at namatay na miyembro na ipinanganak ngayong buwan ng Oktubre.
Sa abiso ng SSS, kailangang maisumite ng mga pensioner ang ACOP compliance bago matapos ang buwan.
Obligado silang gawin ito upang magtuloy-tuloy ang kanilang pagtanggap ng buwanang pensyon.
Kabilang sa mga pinagsusumite ng ACOP ang mga pensioner na naninirahan sa ibang bansa, ang total disability pensioners, death survivorship pensioners at dependent childrens under guardianship.
Obligado din na mag-comply sa ACOP program ang mga pensioner na nakatira sa Pilipinas na may edad 80 taong gulang pataas.
Ang pagsusumite ng ACOP ay ginagawa tuwing birth month upang maiwasan ang suspension ng buwanang pensyon. | ulat ni Rey Ferrer