Kinilala ni South Korean President Yoon Suk Yeol ang mahalagang papel na ginampanan ng mga Pilipino noong Korean War.
Kaya naman sa kaniyang pagbisita rito sa Pilipinas, binigyang parangal nito ang mga nalalabing beterano gayundin ang mga nagbuwis ng buhay para sa kanilang kalayaan mula sa North Korea.
Bahagi ng state visit ni President Yoon ang pag-aalay ng bulaklak sa Korean War Memorial Pylon sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City.
Sinamahan siya ni Philippine Army Commanding General, LtG. Roy Galido kung saan siya binigyan ng ceremonial honors.
Magugunitang naging katuwang ng South Korean forces ang Philippine Expeditionary Force to Korea (PEFTOK) members na labanan ang puwersa ng North Korea at Chinese People’s Volunteer Army. | ulat ni Jaymark Dagala