Photo courtesy of DSWD
Ibinida ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kanilang mga programa at inisyatibo sa ilalim ng Anticipatory Action (AA) approach sa isang dayalogo sa Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction 2024 sa PICC sa Pasay City.
Ayon kay Leo Quintilla, Special Assistant to the Secretary for Disaster Response Management Group dalawang pangunahing proyekto ng DSWD ang binuo sa ilalim ng AA approach: ang B-SPARED Project, katuwang ang Food and Agriculture Organization (FAO), at ang child-centered anticipatory action, sa pakikipagtulungan ng United Nations Children’s Fund (UNICEF).
Ipinaliwanag ni Quintilla na ang B-SPARED Project ay naglalayong magbigay ng proteksyon sa mga komunidad bago pa man tumama ang kalamidad.
Habang sa ilalim ng child-centered anticipatory action, nagkakaloob ang DSWD ng P1,200 na financial aid sa 4Ps household-beneficiaries na apektado ng bagyo at kalamidad.
Ang nasabing cash aid ay maaaring gamitin ng mga pamilya para sa pagkain, panggagamot, at pagbili ng school supplies ng mga bata. | ulat ni Diane Lear