Gumaganap ng mahalagang papel ang Public Private Partnership (PPP) pa sa pagpatayo ng mga imprastrakturang kayang tumayo at manatiling matatag sa panahon ng kalamidad.
Ito’y ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan kasunod ng kanyang pagdalo sa Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction.
Binigyang-diin ni Balisacan na mahalaga ang PPP ngayong nakababangon na ang Pilipinas mula sa epekto ng pandemya subalit nananatili pa ring limitado ang pondo.
Maliban aniya sa physical at digital connectivity, nakahanay din ani Balisacan ang mga proyektong may kinalaman sa major water supply, flood control, at irrigation structure na makatutulong sa paglago ng ekonomiya at makatutugon sa hamon ng climate change. | ulat ni Jaymark Dagala