Mga pulis, pinaalalahanan ng liderato ng PNP na maging “apolitical” sa darating na Halalan 2025

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mahigpit ang atas ni Philippine National Police (PNP) Chief, PGen. Rommel Francisco Marbil sa mahigit 200,000 tauhan nito na maging “apolitical” sa darating na “Halalan 2025.”

Ginawa ng PNP chief ang pahayag kasabay ng pagsisimula ng filing ng Certificates of Candidacy (CoC) o paghahain ng kandidatura para sa 2025 Mid-Term Elections na nakatakda sa May 12.

Sa panayam kay Marbil sa Kampo Olivas sa Pampanga, binigyang-diin nito na dapat matiyak na magiging malinis, mapayapa at ligtas ang buong panahon ng halalan nang walang namamatay dahil sa tunggaliang politikal.

Kaya naman ikinukonsidera na rin ng PNP ang maagang pagpapatupad ng gun ban gayundin ang pinaigting na kampaniya kontra loose firearms.

Dagdag pa ng PNP chief, bagaman templated na ang latag ng kanilang seguridad, nais pa rin niyang pagbutihin nito gamit ang mga aral na iniwan ng mga nakalipas na halalan upang hindi na maulit ang mga hindi magagandang pangyayari. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us