Ipinagmalaki ni Education Secretary Sonny Angara ang mga repormang naipatupad nya sa Department Education (DepEd).
Sa kanyang talumpati sa European Chamber of Commerce of the Philippines ngayong araw, sinabi ni Secretary Angara na sinisikap nilang sundin ang direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ibigay ang “basic services” sa mga mag-aaral.
Sa ngayon, mas flexible aniya ang curriculum at nama- maximize ang learning time ng mga mag-aaral.
Maliban dito, ayon kay Angara nakalikha na rin ng PISA Task Force para maihanda ang mga estudyante sa international assessment.
Sinabi pa ng kalihim na dinagdagan nila ang benepisyo ng mga guro.
Kasama rito ang pagdagdag ng service credits at pagbibigay ng dagdag na mga leave.
Samantala, nire-review na ng DepEd ang teacher development plan para sa career promotion and progression ng mga guro.| ulat ni Diane Lear