Mga rescuers, pinasalamatan ng House Speaker sa kanilang pagseserbisyo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaabot ng pasasalamat si Speaker Martin Romualdez sa mga magigiting na mga rescuer na abala sa pagbibigay serbisyo mula nang tumama ang bagyong Kristine.

Kinilala niya ang sakripisyo ng mga rescuers na sa kabila ng hirap at panganib, ay patuloy na tumutulong sa ating mga kababayang naapektuhan ng pagbaha dulot ng bagyo.

“Saludo kami sa inyong serbisyo at sa inyong pagtugon sa panawagan ng pagtutulungan at bayanihan,” sabi ni Speaker Romualdez.

Hangad aniya niya ang kanilang kaligtasan.

Kasabay nito muling ipinanawagan ng House leader ang pagkakaisa at bayanihan sa pagtugon at pag tulong sa mga biktima ng bagyo na makabangon muli.

“Ngayon ang tamang panahon para magkaisa tayo bilang isang bansa, kailangan nating lahat magtulungan. Bayanihan ang sagot dito. We call on every Filipino, from all sectors, to contribute what they can to support those in need. The recovery and rebuilding process will take time, and everyone’s participation is vital,” sabi niya.

Ngayong umaga naman ay nakarating na sa Bicol ang unang batch ng rubber boats para sa rescue at relief operations na mula sa Office of the Speaker katuwang ang Ako Bicol Party-list.

Daldahin muna ang mga ito sa 9th infantry division para i-assemble.

Ipapagamit ito sa PNP Maritime Group, PCG, LGU, at NAVFORSOL lalo at malaking bahagi ng rehiyon ang lubog pa rin sa baha. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us