Umaapela ang mga residente ng dalawang barangay sa Buenavista, Quezon sa pamahalaan na tulungan sila upang hindi tuluyang mawasak ang kanilang kabuhayan.
Partikular ang mga residente malapit sa Mangroves sa Brgy. Sabang Piris at Macaca Coral Reef sa Brgy. Mabutag.
Reklamo ng mga residente, unti-unti ng sinisira at pinagigiba ng alkalde ng Buenavista, Quezon na si Mayor Reynaldo Rosilla Jr. ang mga bakawan at mga coral reef para sa sarili nitong interes.
Ayon kina Chairman Fernando Dimayuga ng Brgy. Mabutag, ginigiba ang mga bakawan para may madaanan ang speedboat ng alkalde patungo sa sarili nitong beach resort.
Nasa higt 50 pamilya ang apektado ng ginagawang pag-demolish kung saan ilang mangimgisda ay walang ng pinagkakakitaan.
Una na silang naghain ng reklamo laban sa alkalde sa Ombudsman at sa lokal na opisina na ng DENR pero wala pa rin nangyayari habang nananawagan sila kay Quezon Province Gov. Angelina Tan na tututukan at solusyunan ang problema. | ulat ni Michael Rogas