Mga salaysay ni dating Pangulong Duterte sa Senado, dapat aksyunan at siyasatin ng iba’t ibang institusyong pang hustisya ng bansa — Young Guns Bloc

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dahil sa inaako na ng dating Pangulong Rodrigo Duterte ang responsibilidad sa mga patayang nangyari sa ilalim ng war on drugs noong kaniyang administrasyon, naniniwala ang Young Guns Bloc na maaari itong gamitin sa pagsasampa ng kaso.

Ayon kay Deputy Majority Leader Jude Acidre ang pag-amin ng dating Pangulo sa harap ng publiko ay sapat na batayan para pairalin ang batas.

“The former President has publicly accepted responsibility for these deaths. If we truly stand by our principles of justice and the rule of law, then Mr. Duterte must be held accountable. Duterte’s words have given the justice system a clear mandate to act,” ani Acidre.

Dagdag naman ni House Assistant Majority Leader Jay Khonghun, dapat nang kumilos ng mga institusyong pang hustisya para makamit ang hustisyang hinihintay ng mga pamilya ng mga biktima.

“This is a critical time for our institutions to show their strength by pursuing the legal accountability that so many families have waited for,” ani Khonghun.

Ganito rin ang pananaw ni Nueva Ecija 1st District Representative Mika Suansing.

Giit niya na nasa kamay na ngayon ng hudikatura na aksyunan ang mga naging pahayag ng dating Pangulo.

“Our judiciary and investigative bodies now have a duty to act on this admission. The former President’s own words must be met with a serious response. For too long, victims of EJKs have waited for answers,” saad ni Suansing.

Hinimok naman ni Cagayan de Oro City Representative Lordan Suan, isang abogado, ang Department of Justice at ang Office of the Ombudsman na siyasatin ang mga salaysay ng dating Pangulo.

“We cannot ignore such an admission. These institutions must act decisively and transparently to restore faith in our justice system,” sabi ni Suan.

Paalala naman ni Lanao del Sur Representative Khalid Dimaporo na walang sinoman ang mas mataas sa umiiral na batas sa bansa, ano man ang katayuan nila sa lipunan.
 
“This admission should galvanize us to reinforce our commitment to justice and human rights. We owe it to the victims and to the Filipino people to prove that our institutions can and will deliver justice,” giit ni Dimaporo.

Sinabi naman ni Assistant Majority Leader Paolo Ortega na kung mabigong aksyunan dito sa Pilipinas ang usapin ay maaaring pumasok na ang International Criminal Court (ICC).

“If Philippine authorities do not act, the ICC could be a crucial avenue for justice. We must ensure accountability for the lives lost and demonstrate that no one is above the law,” pahayag ni Ortega. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us