Para kay Senate President Chiz Escudero, posibleng isang hakbang na para mapanagot si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pinatupad nito ng war on drugs sa ilalim ng kanyang administrasyon ang naging mga pahayag nito pagdinig ng Senate Blue Ribbon Subcommittee kahapon.
Pinunto ni Escudero na ang mga statement na binitiwan ni Duterte sa Senate hearing ay under oath o pinanumpaan niya.
Kaya naman mahihirapan na aniya ang dating presidente na bawiin ang kanyang mga naging pahayag.
Matatandaang kabilang sa mga sinabi ni Duterte sa pagdinig kahapon ay ang pagkakaroon ng ‘death squad’ at ang pag utos sa mga pulis na hikayatin ang mga suspek na manlaban.
Sinabi ni Escudero na nasa mga interesadong partido na kung ano ang nais nilang gawin sa mga naging testimonya ni Duterte, lalo na ang mga pamilya ng mga pamilya ng mga biktima ng drug war.| ulat ni Nimfa Asuncion