Nasa 60,000 kilo ng seaweed seedlings ang ipinamahagi ng Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform provincial office sa mga farmers sa buong lalawigan.
Ang mga seaweed farmers sa siyam na bayan ng lalawigan ang naging benepisyaryo ng pamamahagi ng naturang seedlings sa ilalim ng General Appropriations Act of BANGSAMORO 2024.
Sa 11 bayan bumubuo ng Tawi-Tawi, ay Mapun at Turtle Islands ang hindi tumanggap ng nasabing seedlings dahil sa.walang seaweeds farming sa dalawang magkalapit na bayang ito.
Layon ng pamamahagi na matulungan ang mga seaweed farmers upang makabangon mula sa huling hamon na kanilang hinarap, ito ay ang pagbaba ng carrageenan content ng kanilang produktong seaweeds, kung saan marami ang nalugi dahil halos hindi na ito mabenta sa kanilang mga suking kompanya.
Inirekomenda ng tanggapan ng MAFAR Tawi-Tawi ang paggamit ng organic fertilizers sa mga produktong seaweeds upang manumbalik ang kalidad ng kanilang mga produkto. Ang hakbang na ito ay nakatulong sa mga seaweeds farmers na makatagpo ng bagong pag-asa sa kanilang kabuhayan, at sila ay labis na nagpapahayag ng kanilang pasasalamat sa mga natanggap na tulong. | ulat ni Laila Sharee Nami | RP1 Tawi-Tawi