Pinangunahan ng tanggapan ng Ministry of Social Services and Development sa Sitangkai ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga ulila.
Ito ay mula sa Programang Kupkop ng naturang tanggapan, na layuning matulungan ang mga batang maralita at ulila sa rehiyong BARMM.
Nasa 17 ulila ang naging benepisyaryo sa nasabing bayan, at bawat isa ay tumanggap ng tig-15,000 pesos bilang ayuda para sa 3 buwan.
Nagpasalamat ang mga ulila sa nasabing bayan dahil ito’y malaking tulong para sa kanilang pag-aaral at pangunahing pangangailangan. | ulat ni Laila Sharee Nami | RP1 Tawi-Tawi