Miru Systems siniguro na di makakaapekto ang pag-withdraw ng St. Timothy Construction Corp. sa automated election system sa 2025

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Miru Systems sa publiko na ang pag-alis ng St. Timothy Construction Corporation (STCC) mula sa kanilang joint venture ay hindi makakaapekto sa kanilang pangako na maghatid ng mas mahusay na automated election system para sa 2025 National at Local Elections.

Ayon sa Miru, bagama’t tumulong ang STCC sa pagsunod sa mga itinakdang regulasyon, hindi sila kasali sa pag-develop ng mga voting machine o services na gagamitin sa susunod na halalan.

Binigyang-diin ng Miru na ang kanilang paghahanda ay kasalukuyang ahead of schedule, kung saan kanila nang naihatid ang 50,000 Automated Counting Machines (ACMs), kasama ang mga election peripherals, at mga bagong printing machines.

Kasalukuyan na ring sinasanay ang mga technicians at itinatayo ang 110 repair hubs sa buong bansa kasama ang mga servers upang masiguro ang maayos na operasyon sa 2025.

Sa kabila ng pagbabago sa mga local partner ng Miru, sinabi nito na mananatiling buo ang kanilang dedikasyon sa pagbibigay ng mas maayos na automated election system para sa mga Pilipino.

Ito ang naging pahayag ng Miru matapos umatras ang STCC sa joint venture dahil sa mga balita na magpa-file sa kandidatura ang may-ari nito para sa susunod na halalan. | ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us