Positibo ang mga miyembro ng United States-ASEAN Business Council (US-ABC) sa mas pinalakas na kapasidad ng Pilipinas bilang investment destination kaya napapansin sa radar ng mga US companies.
Sa pulong nila Finance Secretary Ralph Recto sa US-ASEAN Business Council sa Washington DC, ibinida nito ang robust economic outlook at business friendly reforms sa bansa kay “attractive” ito sa mg foreign investors.
Tinugunan din ng kalihim ang ilang concerns ng mga foreign investors.
Anya handa na ang ilang sector para sa pamumuhunan particular sa depensa at seguridad.
Tinalakay din ng Finance ief ang trilateral partnership ng US at Japan na siyang nagpatibay sa posisyon ng bansa bilang pangunahing hub para sa US investors tulad ng sa semiconductors, renewable energy , power grids, telecommunications, data centers ar cybersecurity.
Kabilang naman sa nakaharap ng Philippine delegation ang ilang American companies gaya ng Google, UPS, Procter & Gamble, FedEx, Chevron at iba pa. | ulat ni Melany Reyes