Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagsasaayos ng mga kalsada sa ilang bahagi ng EDSA at iba pang Metro Manila highway ngayong Sabado at Linggo.
Ilang bahagi ng EDSA sa Quezon City ang sumasailalim sa road reblocking ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kabilang ang mga kalsada malapit sa Fernando Poe Jr. Avenue, West Avenue, Misamis hanggang Corregidor Street, Quezon Avenue at Bansalangin Street.
Inaayos rin ang ilang bahagi ng Cloverleaf, Commonwealth Avenue at West Avenue sa Quezon City; gayundin ang Gen. San Miguel Street at Monumento Circle malapit sa Samson Road sa Caloocan City.
Ang road reblocking ng DPWH ay magtatapos ng alas-5 ng umaga sa Lunes, October 14.
Pinapayuhan ng MMDA ang mga motorista na maghanap ng mga alternatibong ruta habang inaayos ang mga naturang kalsada. | ulat ni Jollie Mar Acuyong | #RP3Alert