Photo courtesy of DSWD-Eastern Visayas
Nakaposisyon na sa Regional Resource Operation Center sa Western Visayas ang Mobile Command Center ng Department of Social Welfare and Development.
Bilang paghahanda ito ng DSWD Regional Field Office- 8 sa posibleng pananalasa ni Bagyong Kristine.
Ayon sa DSWD, magagamit ang command center kung sakaling mangailangan ng tulong ang mga apektadong lugar dulot ng sama ng panahon.
Naglalaman ito ng state-of-the art information and communications technology equipment na naglalayong panatilihin ang maayos na komunikasyon sa panahon ng kalamidad.
Tinitiyak ng command center ang tuloy-tuloy, epektibo at napapanahong emergency support sa telekomunikasyon sa iba’t ibang disaster operation at relief inventory information sa rehiyon. | ulat ni Rey Ferrer