Makapaghain man ng kandidatura si dismissed Mayor Alice Guo ay maaari pa rin naman itong kwestyunin at kalaunan ay ipabasura.
Ito ayon kay Quezon City 3rd district Representative Franz Pumaren.
Ayon sa mambabatas, totoo na hanggat hindi pa nahahatulan si Guo ay makakatakbo pa rin ito sa eleksyon.
Pero maaari aniyang kuwestyunin ng sino mang indibidwal ang paghahain niya ng kandidatura dahil na rin sa kwestyon sa kanyang citizenship.
Batay sa panuntunan ng COMELEC maaaring maghain ng petition for diqualification, declaration as nuisance candidate at material misrepresentation.
Ayon sa legal counsel ni Guo, planong maghain ng COC ng tinanggal na alkalde sa susunod na linggo. | ulat ni Kathleen Forbes