Nasa halos 2,000 residente sa Sta. Rosa City Laguna ang kinailangan ilikas dahil sa pagbaha dulot ng bagyong Kristine.
Ito ang ibinahagi ni Sta. Rosa City Rep. Dan Fernandez kasunod ng magdamag na pag iikot sa bayan.
Sa kaniyang pag-iikot ay namahagi rin siya ng mainit na lugaw sa mga stranded na motorista dahil sa mga binahang kalsada na hindi madaanan.
Agad din namang nakapag handa ang kaniyang tanggapan ng paunag relief packs para sa mga naapektuhan ng pagbaha.
Ilan sa mga nahatiran na nila ang evacuees sa Brgy. Pulong Sta. Cruz, Malilit, Dita, Caingin at Ibaba. | ulat ni Kathleen Forbes