Itinalaga na bilang officer-in-charge ng Office of The Deputy Chief for Administration ng Philippine National Police (PNP) si NCRPO Director Police Major General Jose Melencio Nartatez Jr.
Ang panibagong balasahan ay ginawa ni PNP Chief Director General Rommel Francisco Marbil matapos mabakante ang dalawang Command Group position dahil sa pagreretiro ng dalawang mataas na opisyal.
Pumalit sa kanya bilang OIC ng NCRPO si dating Personnel and Records Management (DPRM) Director Police Major General Sydney Hernia.
Samantala pamumunuan naman ang DPRM ni Police Brig. General Constancio Chinayog Jr habang itinalaga bilang OIC Director ng PNP Forensic Group si Police Brig. General Benjamin Sembrano.
Habang si Pol. Col. Jeffrey Decena ay itinalaga bilang Acting Deputy Regional Director for Administrator ng Police Regional Office (PRO) 3.
Epektibo ang panibagong balasahan sa PNP sa Oktubre 9, 2024.
Nauna ng itinalaga nitong nakaraang Linggo si Police Major General Edgar Okubo bilang OIC ng The Chief Directorial Staff (TCDS) o number 4 man ng PNP. | ulat ni Rey Ferrer