Muli na namang inalerto ng National Electrification Administration ang lahat ng Electric Cooperatives dahil sa paglakas ng bagyong Leon.
Pinayuhan ng NEA-DRRMD ang lahat ng apektadong ECs na magpatupad na ng mga contingency measures upang maibsan ang epekto ng bagyo.
Kung kinakailangan, dapat nang i-activate ang kanilang Emergency Response Organizations (ERO).
At tiyakin ang sapat na mga kagamitan para sa agarang restoration activities.
Batay sa huling ulat ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyong Leon sa layong 735 km sa Silangang bahagi ng Casiguran Aurora o 780 km sa Silangan ng Echague Isabela.
Sa nagdaang bagyong Kristine, umabot sa P35-M ang pinsala sa pasilidad ng mga EC sa Luzon at Visayas. | ulat ni Rey Ferrer