NHA, inilunsad ang Digitalized Entry Pass

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inilunsad na ng National Housing Authority (NHA) ang Digitalized Entry Pass.

Isang hakbang ito para pahusayin ang pamamaraan sa mga programang pabahay sa pamamagitan ng paggamit ng mga modernong teknolohiya at makabagong estratehiya.

Ayon sa NHA, ang entry pass ay isang opisyal na dokumento na ibinibigay ng mga regional office ng ahensya sa mga kwalipikadong pamilya na nagbibigay pahintulot na okupahin ang kanilang nakatakdang yunit.

Sa loob ng maraming taon, ang pagbibigay ng EP ay isang proseso ng relokasyon na pinamamahalaan ng Resettlement and Development Services Department (RDSD).

Kasama ang Corporate Operations and Systems Development Department sa pagbuo nito, ang digital EP system ay nagtatampok ng real-time document tracking kaakibat ang pinahusay na security features upang matiyak ang pagiging bukas sa transaction systems. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us