Tuloy na ang pagpapatayo ng pabahay project ng National Housing Authority sa Munisipalidad ng Dapa sa Surigao Del Norte.
Ayon kay NHA General Manager Joeben Tai, ang housing units ay para sa 684 na pamilyang benepisyaryo sa lalawigan.
Itatayo sa Barangay Osmen̈a ang Dapa Island Residences na binubuo ng siyam na gusali na may tig-tatlong palapag.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni GM Tai ang kahalagahan ng pakikipagtulungan sa pagtugon sa pangangailangan sa pabahay ng mga pamilyang Pilipino.
Lalo na sa pagkamit ng layunin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na isang Bagong Pilipinas. | ulat ni Rey Ferrer