Para mabigyan ng de-kalidad at maayos na serbisyo ang milyong pasaherong babyahe ngayong Undas 2024, ay ipinatupad ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa hanay nito ang No Leave Policy.
Ayon sa CAAP, layon din nito na masiguro ang highest standards ng safety, reliability, at comfort para sa lahat ng byahero.
Naka-standby na rin ayon sa CAAP ang mga medical teams at security personnel para sa mga emergency situations.
Patuloy din ang ugnayan nito sa iba’t ibang awtoridad sa bansa gaya ng PNP-Aviation Security Unit (AVSEU), Office of Transportation Security (OTS), Department of Tourism (DOT), Civil Aeronautics Board (CAB), at mga airline companies para matiyak ang maayos na pagproseso sa mga pasahero partikular na sa mga check-in counters. | ulat ni Lorenz Tanjoco