Committed si Northern Samar Representative Paul Daza na isulong ang pagpapalakas ng healthcare sa bansa.
Kabilang ito sa kanyang mga tinalakay sa harap ng American Chamber of Commerce of the Philippine, kung saan siya ang naimbitahang speaker sa kanilang event na pinangalanang “Patients concern for access to medicine”.
Ayon kay Daza, kabilang sa mga pangunahing issues sa sector ng pangkalusugan ay ang streamlining efforts ng Anti-Red Tape Authority (ARTA), kasalakuyang hamon na kinahaharap ng Health Technology Assessment (HTAC) sa pag apruba ng mahahalagang health technologies.
Ibinahagi rin ng mambabatas ang mahalagang puntos ng Universal Health Care Act o ang Republic Act 11223.
Nagpasalamat din ito sa AmCham Philippines sa isang maunlad na talakayan at palitan ng mga ideya, at kaalaman upang mapagbuti ang healthcare sa bansa. | ulat ni Melany Valdoz Reyes