Suspendido ang pagpapatupad ng Expanded Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding scheme ngayong araw.
Ito’y kasunod ng anunsiyo ng Malacañang na walang pasok sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan at klase sa lahat ng antas sa mga paaralan sa buong Luzon dahil sa patuloy na nararanasang pag-ulan dulot ng bagyong #KristinePH.
Kasunod nito, inaabisuhan naman ng Mandaluyong LGU ang mga may-ari ng billboard sa EDSA na itiklop o sinupin muna ito upang hindi magdulot ng peligro.
Samantala, mahigpit namang binabantayan ng Marikina City LGU ang antas ng tubig sa ilog Marikina dahil sa magdamag na pag-ulan.
Batay sa 4AM update ng Marikina City Rescue 161, nananatiling normal ang lebel ng tubig sa Marikina River na nasa 13.3 meters. | ulat ni Jaymark Dagala