OCD: 30-M indibidwal sa iba’t ibang rehiyon, posibleng maapektuhan ng bagyong Kristine

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan ang Office of Civil Defense (OCD) ng maigting na paghahanda sa epekto ng bagyong Kristine na pinangangambahang maging super typhoon.

Ginawa ni Civil Defense Administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno ang panawagan, kung saan batay sa kanilang pagtataya nasa 30 milyong indibidwal ang posibleng maapektuhan ng bagyong Kristine habang nasa 18,000 mga barangay ang maaaring makaranas ng mga pagbaha at pagguho ng lupa.

Sa lakas ng bagyo, malaking bahagi ng Luzon at Mindanao ang posibleng makaranas ng epekto nito.

Ayon naman sa Mines and Geosciences Bureau, mahigit 18,000 na mga barangay ang lubhang maaapektuhan ng pagbaha at pagguho ng lupa partikular na ang Central Visayas, Cordillera Administrative Region, Eastern Visayas, Ilocos Region, MIMAROPA, Northern Mindanao, SOCCSKSARGEN, Western Visayas, and Zamboanga Peninsula. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us