Nagpasalamat ang Office of Civil Defense (OCD) sa Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagtulong nito na maihatid ang mga kinakailangang tulong para sa mga nasalanta ng Bagyong Julian partikular na sa dulong hilagang Luzon.
Ayon kay OCD Administrator, Undersecretary Ariel Nepomuceno, napakahalaga ng papel na ginampanan ng AFP upang maiparating sa mga nasalanta ng kalamidad sa Batanes at Ilocos Norte ang kinakailangang tulong sa atas na rin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Hindi lamang aniya nito napabibilis ang pagtutulungan sa gitna ng krisis kundi nakapagbibigay din ito ng pag-asa at pagbangon sa mga apektadong komunidad.
Sa pamamagitan nito ani Nepomuceno, sama-samang pagsusumikapan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na maibalik muli sa normal ang pamumuhay ng mga naapektuhan ng kalamidad. | ulat ni Jaymark Dagala