Opisyal nang kinumisyon ng Philippine Navy ang Olympic double-gold medalist na si Carlos Yulo bilang Reservist nito.
Sa isinagawang commissioning kahapon sa Jose Andrada Naval Base sa Lungsod ng Maynila, iginawad kay Yulo ang ranggo bilang Petty Officer 1st Class
Sa kaniyang talumpati, sinabi ni Yulo na hindi nito inaasahan sa kaniyang buhay ang pagkakatalaga sa kaniya bilang isang Naval Reservist.
Ipinabatid naman ni Navy Flag Officer-in-Command Toribio Adaci Jr. na tiwala siyang makakasama si “Caloy” sa hanay ng mga indibidwal na nag-alay ng kaniyang sarili para sa bayan gaya ng kaniyang naipamalas sa mundo ng palakasan. | ulat ni Jaymark Dagala