Nakatakda na ring isapribado ang operasyon at maintenance ng Laguindingan International Airport sa Misamis Oriental.
Ito’y matapos opisyal nang ibigay ng Department of Transportation (DOTr) ang Notice of Award sa isang private concessionaire (ABOITIZ) sa ilalim ng Public-Private Partnership o PPP.
Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, kumpiyansa ang DOTr sa Technical at Management Capability ng kumpanya para itaas sa global standard ang kalidad ng Laguindingan Airport partikular na ang serbisyo sa mga pasahero.
Kabilang sa PPP ang upgrade, expansion, operation, at maintenance ng paliparan sa loob ng 30 taon sa at investment na aabot sa Php12.75 billion.
Ang Laguindingan International Airport ay nagsisilbing paliparan para sa Cagayan de Oro, Iligan at Marawi, maging sa probinsya ng Misamis Oriental, Lanao Del Norte at Bukidnon.| ulat ni Rey Ferrer