Binalaan ni Land Transportation Office (LTO) Chief Vigor Mendoza ang mga driving school at accredited medical clinics na iwasang gumawa ng ilegal na aktibidad na makakakompromiso sa kaligtasan sa kalsada.
Pahayag ito ni Mendoza matapos suspendihin ng 30 araw ang operasyon ng dalawang driving school sa Tarlac at Quezon Province.
Nag-iisyu umano ang mga ito ng kwestyunableng theoretical driving course (TDC) at practical driving course (PDC) certificates.
Nauna nang pinaimbestigahan ni Mendoza ang fraudulent issuance ng TDC at PDC certificates nang itimbre ang modus operandi ng dalawang driving school.
Isinama din niyang pinaimbestigahan ang ilang LTO accredited medical clinics ng na nag-iisyu din ng kaduda-dudang medical certificates.
Sabi pa ni Mendoza na nag-isyu ng show cause order ang LTO para pagpaliwanagin ang dalawang driving school tungkol sa nasabing kaso. | ulat ni Rey Ferrer