Ipinahayag ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang pagkakaroon ng Lebanon Help Desk para sa mga dokumentado at kahit mga hindi dokumentadong manggagawang Pilipino na nasa Lebanon.
Layunin nitong magbigay ng agarang aksyon at tulong, lalo na sa mga nangangailangan ng repatriation para sa kaligtasan at kapakanan ng mga manggagawa.
Maaaring tumawag ang mga Pilipino sa Lebanon sa mga sumusunod na Philippine hotline numbers na naka-post sa official Facebook page ng OWWA o makipag-ugnayan sa Migrant Workers Office-Lebanon at ang Philippine Embassy sa Beirut para sa tulong sa mga Pilipino at kanilang mga dependents.
Hinimok hanggang sa kasalukuayan ng OWWA ang lahat ng Pilipino sa Lebanon na huwag mag-atubiling humingi ng tulong.| ulat ni EJ Lazaro