Patuloy ang paghahatid ng tulong ng Philippine Air Force (PAF) sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong #JulianPH sa lalawigan ng Batanes.
Ayon sa PAF, isang Sokol helicopter mula sa Tactical Operations Group (TOG) 2 ang ipinadala upang maghatid ng relief goods sa Itbayat.
Kabilang sa mga naihatid ang 300 bote ng tubig, sako-sako ng bigas, at iba pang mga pangunahing pangangailangan.
Tiniyak naman ng PAF na patuloy na magbibigay ng tulong sa mga apektadong komunidad lalo na sa panahon ng kalamidad.
Nauna rito nagsanib-puwersa ang Amerika at Pilipinas upang maghatid naman ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Julian sa Basco kung saan nagpadala rin ng iba’t ibang relief supplies.| ulat ni Diane Lear