Malaki raw ang maitutulong sa presyo ng inaangkat na bigas ng bansa ang pag-alis ng Indian Government sa export ban sa non-basmati white rice.
Ayon kay Department of Agriculture (DA) Assistant Secretary Arnel de Mesa, mahalaga ang ginawang hakbang ng India dahil mas mura ang presyo ng non-basmati white rice.
Ito ay kumakatawan sa 40 percent ng kabuuang rice export sa buong mundo .
Sinabi ni De Mesa, ang Minimun Export Price (MEP) ng Indian Rice ay nasa $490 kada metric tons.
Kumpara sa presyong 25 percent broken rice kada metric tons ng Thai Rice na $525 hanggang $535 kada metric tons.| ulat ni Rey Ferrer