Hiniling ng Department of National Defense (DND) sa mga mambabatas na muling bisitahin ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010.
Ito’y ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. upang makasunod sa pagbabago ng panahon lalo na sa pagtugon sa epektong dulot ng climate change gayundin ng mga tumatamang kalamidad sa bansa.
Sa kanyang talumpati sa Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction sa Pasay City, sinabi ni Teodoro na 15 taon na mula nang maipasa ang naturang batas kaya’t napapanahon na upang ito’y bisitahing muli.
Binigyang-diin pa ni Teodoro na kailangang regular na magsagawa ng assessment ang pamahalaan upang matukoy kung ano ang mga kailangang punuan at mapabilis ang mga hakbang na dapat nitong gawin. | ulat ni Jaymark Dagala