Idineklara na ng PAGASA-DOST ang pagtatapos ng Southwest Monsoon o Habagat season.
Ito’y matapos magpakita ng makabuluhang paghina ng Habagat sa nakalipas na ilang araw.
Ayon kay PAGASA Administrator Nathaniel Servando, ang paglakas ng high-pressure system sa East Asia ay naobserbahan na at ang unti-unting pagbago ng pattern ng panahon sa bansa.
Dahil dito, nasa transition period na ang bansa para sa pagpasok ng Northeast Monsoon (NE) O Amihan Season.
Posible na umanong ideklara ng PAGASA ang pagpasok ng Amihan Season sa mga darating na linggo.| ulat ni Rey Ferrer