Kabuuang 111 palaboy ng lansangan ang nasagip ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kabilang ang 18 bata o mga Children in Street Situation (CISS).
Nagsanib pwersa ang DSWD Pag-abot Program, Lokal na Pamahalaan ng Caloocan, Quezon City, Metropolitan Manila Development Authority at Philippine National Police-NCRPO sa isang reach-out operation sa mga area of concerns.
Ang mga nasagip ay binigyan ng paunang tulong gaya ng pagkain at tulong medikal.
Inaalam din ang kanilang pamilyang uuwian at iba pang karagdagang tulong na nararapat sa kanila.
Sumunod ang operasyon sa rights-based approach na tumitiyak na iginagalang ang mga karapatang pantao ng mga indibidwal.
Nananawagan ang concerned agencies sa publiko na huwag mag-abot ng pera sa mga nanlilimos alinsunod sa Presidential Decree No. 1563 o Anti-Mendicancy Law.
Ngayong papaparating na ang kapaskuhan, inaasahan ang pagdagsa ng mga manghihingi ng pamasko at limos sa lansangan sa Metro Manila tulad ng mga katutubong Badjao at Aeta.| ulat ni Rey Ferrer