Inaasahan na ang katamtaman hanggang malakas na ulan sa mga kalapit lalawigan ngayong hapon.
Sa inilabas na thunderstorm advisory ng PAGASA, mararanasan ang mga pag-ulan sa loob ng dalawang oras sa Lalawigan ng Nueva Ecija, Rizal, Batangas, Bataan at Bulacan.
Malakas hanggang matinding pag-ulan din ang mararanasan sa Cavite, Tarlac (Mayantoc, Camiling, San Clemente, Santa Ignacia, Bamban); Zambales (Botolan), Pampanga (Porac, Mabalacat); Laguna (Cavinti, Luisiana, Magdalena, Nagcarlan); Quezon (Tayabas, Lucban, Sariaya); at Metro Manila (Las Pinas).
Sa ilang bahagi ng Quezon City, nararamdaman na ang pagkulog at minsan ang mahihinang ulan.
Dahil dito, pinapayuhan ng PAGASA ang publiko na mag-ingat sa epekto ng mga pag-ulan tulad ng flash flood at landslide. | ulat ni Rey Ferrer