PAGASA, naglabas ng Thunderstorm Advisory sa Metro Manila at ilang karatig lalawigan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magpapatuloy ang makulimlim at maulang panahon sa Metro Manila at ilang karatig nitong lalawigan.

Sa Thunderstorm Advisory ng PAGASA na inilabas kaninang 8:16 AM, katamtaman hanggang sa may kalakasang ulan na may pagkidlat at malakas na hangin ang iiral sa Bulacan, Nueva Ecija, Batangas, Metro Manila, Pampanga, Tarlac, at Cavite.

Ayon sa PAGASA, mararanasan ang thunderstorm sa loob ng dalawa hanggang tatlong oras.

Samantala, nakaranas naman ng mga pag-ulan ngayong umaga sa Infanta, Real, Mauban sa Quezon, Santa Maria sa Laguna, at Tanay sa Rizal na maaaring tumagal ng dalawang oras.

Pinag-iingat ng PAGASA ang mga residente sa mga apektadong lugar sa banta ng flash floods at landslides bunsod ng thunderstorm. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us