Pagbabalik ng death penalty, itinutulak ng party-list solon para sa mga tiwaling opisyal ng pamahalaan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nais na rin ni CIBAC Party-list Representative Bro. Eddie Villanueva na ibalik ang parusang kamatayan.

Ito aniya ay mahinto na ang pagnanakaw ng mga opisyal ng gobyerno sa kaban ng bayan.

Para sa mambabatas, death penalty ang dapat ipataw na parusa sa mga convicted o mapatutunayan na nagnakaw ng hindi bababa sa P100 milyong mula sa public funds.

Giit ng party-list solon, kapag napunta sa korapsyon ang milyong pisong pondo, milyong Pilipino rin ang napagkakaitan ng basic government services.

Una nang inihayag ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, na panahon na para ibalik ang death penalty para sa heinous crimes.

Mayroon ding panukalag inihain sa Kamara para sa death penalty by firing squad para sa mga sangkot sa kasong plunder. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us