Ngayong araw, naghain ng kanilang Certificate of Nomination and Acceptance (CON-CAN) ang ARTE party-list, bitbit ang layunin na bigyan ng boses ang creative industry sa Kongreso.
Ang kanilang first nominee ay si Lloyd Lee, asawa ng beauty queen at architect na si Shamcey Supsup, na tumatakbo rin bilang konsehal sa unang distrito ng Pasig City.
Si Jonas Gaffud naman, isang kilalang pangalan sa industriya ng fashion at pageantry, ang ikalawang nominee ng grupo.
Ito na ang ikalawang pagsubok ng ARTE party-list na makapasok sa Kongreso matapos mabigo sa nakaraang halalan. Ayon kay Shamcey, nalulungkot sila na hindi ito nakuha ng pagkakataon noong nakaraang halalan, lalo’t sila raw ay totoong kinatawan ng sektor na nangangailangan ng representasyon—hindi tulad uamno ng ibang grupo.
Dahil dito, nanawagan ang ARTE party-list sa mga creative workers na suportahan at ipaglaban ang kanilang panawagan sa Kongreso. Aminado rin sila na kulang ang kanilang political machinery, ngunit naniniwala silang ang pagkakaisa ng mga nasa creative sector ang magiging susi sa kanilang tagumpay.
Maliban sa ARTE ilang party-list din ang naghain ng kanilang CON-CAN dala ang iba’t ibang adbokasiya, ang ilan ay para sa mga magsasaka, mga konsyumer, para sa mahihirap, at sa mga ina.| ulat ni EJ Lazaro