Lumagda sa isang Memorandum of Understanding (MOU) ang Philippine National Police (PNP) para sa Health Maintenance Organization (HMO) ng mga Pulis.
Ang naturang MOU ay sa pagitan ng Public Safety and Mutual Benefits Fund, Inc. at Medicare Plus, Inc. na nilagdaan ni PNP Chief, Police General Rommel Francisco Marbil.
Layon nitong makapagbigay ng comprehensive healthcare services sa mga miyembro ng PNP, partikular na sa mga nagsilbi ng 20 hanggang 24 na taon.
Kasama sa mga serbisyong ito ang in-patient at out-patient care, emergency services, dental care, consultations, laboratory tests, at iba pa.
Nauna nang sinabi ng PNP chief na kanyang sisikapin ang pagbibigay ng libreng health card para sa mga Pulis lalo na sa mga nakatalaga sa malalayong lalawigan. | ulat ni Jaymark Dagala
📸: OCPNP