Pagdinig ng Senado ukol sa mga alegasyon ng pang-aabuso ni Pastor Quiboloy, ipinagpatuloy

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa kabila ng masamang panahon, tinuloy pa rin ngayong araw ang pagdinig ng Senate Committee on Women patungkol sa mga alegasyon ng pang aabuso di umano ni Pastor Apollo Quiboloy sa mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC), na kanyang pinamumunuan.

Kabilang sa mga alegasyong kinakaharap ni Quiboloy ay sexual harassment at human trafficking.

Ipinagpatuloy ang pagdinig matapos ang halos kalahating taon, at ito ang unang pagkakataon na haharap sa pagdinig si Quiboloy.

Ayon kay Committee Chairperson Senador Risa Hontiveros, ngayong nandito na si Quiboloy ay kakaharapin na nito ang mga victim-survivors ng kanyang mga pang-aabuso, at mabibigyan rin ito ng pagkakataon na sumagot sa mga alegasyon.

Present rin sa pagdinig ang limang kapwa akusado ni Quiboloy sa kaso na sina Jackielyn Roy, Cresente Canada, Paulene Canada, Ingrid Canada at Sylvia Cemañes.

Ngayong araw, tuluyan nang nagpakilala at nag-alis ng maskara ang ilan sa mga victim-survivors at testigo, na una nang humarap sa pagdinig ng senate panel…kabilang dito sina Yulya Tartova (alias Sofia), Eduard Ablaza Masayon (alias Jackson), at Joar Martinet Olimba (alias Jerome).

Bukod sa kanila may mga bagong testigo pang nakatakdang humarap sa hearing ngayong araw. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us