Pagdiriwang ng National Shelter Month, sinimulan na ng DHSUD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinimulan na ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at mga kalakip na ahensya nito ang pagdiriwang ng National Shelter Month 2024.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar ang kahalagahan ng tuloy-tuloy na pakikipag-ugnayan sa lahat ng stakeholder.

Layon nito na matiyak ang pagtutulungan ng publiko at pribadong sektor, at higit pang isulong ang kasiglahan sa industriya ng pabahay at real estate.

Sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., hindi lang nagtatayo ng mga bahay ang ahensya kung hindi pinapabuti din ang pamumuhay ng mga tao.

Bukod sa DSHUD Central Office, sabay ding binuksan ang isang buwang aktibidad ng shelter month ng DHSUD Regional Offices sa pakikipagtulungan ng attached agencies nito. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us