Ipinahayag ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada na maituturing na maagang pamasko para sa 143 na mga Pilipino at kanilang mga pamilya ang iginawad na pardon ng United Arab Emirates (UAE).
Nakiisa si Estrada sa pagpapasalamat kay UAE president Sheikh Mohamed bin Zayed sa ibinigay na pardon sa mga kababayan nating nakagawa ng mga minor offenses.
Ayon sa senador, ang act of compassion na ito ay nagpapatatag sa pagkakaibigan, kolaborasyon at mutual respect sa pagitan ng pilipinas at UAE
Batid aniya ng senador ang kahalagahan ng pakikipagtulungan at suporta ng ating pamahalaan para maasistehan ang mga nangangailangang kababayan sa ibang bansa
Umaasa ang mambabatas na sa pag-uwi ng Pilipinas ng mga Pilipinong ito ay mabigyan sila ng programa ng ating gobyerno para makabangon muli. | ulat ni Nimfa Asuncion