Paghahain ng COC sa QC COMELEC, nananatiling matumal

Facebook
Twitter
LinkedIn

Matumal pa rin ang dating ng mga kandidatong naghahain ng Certificate of Candidacy (COC) sa Amoranto Sports Complex.

Sa pinakahuling tala ng Quezon City-COMELEC, may tig-isang kandidato pa lang ang nagsumite ng COC sa pagka-alkalde at bise alkalde sa QC.

Habang 17 namang kandidato ang nagsumite ng COC para tumakbong konsehal sa QC.

Inaasahan din ng COMELEC na marami pa ang hahabol sa COC filing lalo na sa huling araw sa October 8.

Sa kabila nito, nananatiling mahigpit pa rin ang ipinatutupad na seguridad sa loob at labas ng Amoranto Sports Complex. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us