Tuloy-tuloy ang malawakang relief operations ng Kamara na magkatuwang na ikinasa ng Ako Bicol party-list at Office of the Speaker.
Ngayong araw, aabot sa 20,000 na food packs ang naihanda na siya namang ipapamahagi sa mga naapektuhan ng bagyong Kristine.
Sa kabuuan naman, nakapagpamahagi na ng higit 40,000 food packs sa Albay at higit 11,000 naman sa Camarines Sur.
Kasama na rin sa relief packs na inihahanda ang malinis na inuming tubig.
Hanggang nitong tanghali, nasa 250 mineral water bottles ang naipamahagi sa Naga City at Bula, Camarines Sur.
Isang daang water jugs na may 5 galong tubig ang dinala sa Brgy. Banuang Gurang, Donsol, Sorsogon kasabay ng pamamahagi ng relief goods sa may 244 household na nasalanta ng Bagyong Kristine. | ulat ni Kathleen Forbes