Pagkakaaresto sa ‘POGO Godfather’, malaking panalo vs POGO sa bansa — Sen. Win Gatchalian

Facebook
Twitter
LinkedIn

Itinuturing ni Senador Sherwin Gatchalian na ‘big achievement’ ang pagkakahuli kay Lin Xunhan o Lyu Dong alyas “boss Boga”, na isa sa mga key figure sa paglaganap ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) scam hubs sa bansa.

Ayon kay Gatchalian, malaking panalo ito sa laban ng Pilipinas kontra sa mga POGO at sa dulot nilang krimen sa ating bansa.

Kasabay nito ay pinasalamatan ng senador ang mga otoridad, sa pangunguna ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), sa kanilang walang tigil na pag aksyon.

Kabilang ang Chinese national na si Lin Xunhan sa search warrant na inilabas noong June 4 laban sa Lucky South 99 o ang POGO hub sa Porac, Pampanga.

Nagpahayag ng pag-asa ang mambabatas, na ang pagkakaarestong ito kay Lin ay hudyat na kaya nating puksain ang mga POGO na patuloy na nagpapalaganap ng mga krimen, kabilang na ang mga malawakang scams.

Iginiit rin ni Gatchalian, na ipinapakita din nito ang kahalagahan ng patuloy na pagbabantay at pagsubaybay sa cross-border activities ng mga high-profile individuals.

Importante rin aniyang maimbestigahan ang mga Pinoy na bodyguard at associates ni Lin Xunhan. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us