Pinaghahandaan na ng Philippine Marine Corps ang posibilidad na ilikas ang mga Pilipino sakaling sumiklab ang kaguluhan sa Taiwan.
Ito ang kinumpirma ni Philippine Marine Corps and exercise director Brigadier General Vicente Blanco kasabay ng pagsisimula ng ‘KAMANDAG’ Exercise kasama ang United States Marines at iba pang bansa.
Ayon kay Blanco, kabilang sa mga senaryo ng kanilang humanitarian assistance drills ay ang repatriation ng mga overseas Filipino worker (OFW) sa naturang bansa.
Pero nilinaw ng opisyal na hindi nakatuon ang military exercise sa Northern Luzon at Palawan sa kasabay na joint patrol ng China sa paligid ng Taiwan.
Ginawa ni Blanco ang pahayag matapos na pormal na buksan ang ika-walo at pinakamalaking bersyon ng KAMANDAG Exercise.
Makakasama rin dito ang ilang miyembro ng Philippine National Police at Philippine Coast Guard; kasama ang marine personnel mula Pilipinas, Amerika, South Korea, Japan, United Kingdom, Australia, at observers galing France, Thailand at Indonesia.| ulat ni Diane Lear