Ibinasura ng COMELEC-Taguig ang inihaing aplikasyon ni dating Mayor Lino Cayetano at asawa nitong si Fille para ilipat ang kanilang rehistro sa pagka-botante ng lungsod.
Nais kasi ng mag-asawa na ilipat ang kanilang voter registration sa unang distrito mula sa ikalawang distrito.
Sa 24 na pahinang desisyon, sinuri ng Lokal na COMELEC ang paliwanag ng mag-asawa na 2 taon at 5 buwan na silang residente ng Pacific Residences sa Brgy. Ususan.
Pero bigo ang mga petitioner na patunayan ang kanilang residency dahil sa Passport lamang ang kanilang isinumite.
Ipinunto rin ng lokal na COMELEC sa Taguig na naging matimbang ang pahayag ng mga testigo ng oppositor na hindi nakikita ang mag-asawa sa address na kanilang ibinibigay.
Bigo rin ang mag-asawa na patunayan ang mga ebidensyang kanilang inilatag para patunayang doon sila nakatira.| ulat ni Jaymark Dagala